-
Alay Sining’s ANGAS wall news—
EDUCATION IN CRISIS:
Assessing the plight of the Philippine education system(ANGAS is the official publication of Alay Sining.)
June 30: Boycott the 1st anniversary of the US-Aquino regime!
July 25: Join the mass mobilization at Noynoy’s SONA!July 14: UP Walkout for greater state subsidy
July 19: Nationwide walkout against education crisis*Download for a closer look: http://bit.ly/AlaySining_june2011
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jul 1, 2011 (a Friday)
- time:
- 2:51:04 (11 months ago)
Notes
There are 8 notes on this item.
-
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jul 1, 2011 (a Friday)
- time:
- 2:50:02 (11 months ago)
Notes
There are 19 notes on this item.
-
The Rainy Days: 7 militants including 5 youth detained for scoring Aquino's twisted policies
PRESS RELEASE
June 19, 2011
Reference Person:
John Paulo Bautista (09161483935)
KABATAAN PARTYLIST – Southern Tagalog Coordinator
Fascism still state’s answer to youth’s calls 150 years after Rizal:
7 militants including 5 youth detained for scoring Aquino’s twisted policies
“If…
More on UPLB 5 and Calamba 7 here: http://upissues.wordpress.com/category/free-the-calamba-7/
Tags
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 21, 2011 (a Tuesday)
- time:
- 1:51:56 (11 months ago)
Notes
There are 4 notes on this item.
-
Weird and Wacky Furniture By Straight Line Designs
1. little black dresser.

2. beaver cabinet

3. burnt table

4. oops! cabinet

5. bad table

6. canned bench

7. boom cabinet

8. accordian

9. cracked cabinet

10. crashed table

11. brian

12. melting cabinet

13. cindy

14. joined at the hip

15. raymond

16. tear away bench

17. squiddy

18. jack in the box

19. daddy long legs

(via jonnette)
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 21, 2011 (a Tuesday)
- time:
- 1:49:35 (11 months ago)
Notes
There are 10295 notes on this item.
-
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 18, 2011 (a Saturday)
- time:
- 9:08:00 (11 months ago)
Notes
There are 0 notes on this item.
-
Is STFAP really ‘socializing’ education?
Data from the Office of the Student Regent UP System 2010 data on STFAP (% distribution of students per bracket):
Total population is 39,474.
BRACKET
A - 0.47%;
B - 82.30%;
C - 6.85%;
D - 6.20%
E1 -3.02%
E2-1.16%You be the judge: is STFAP really ‘socializing’ education?
STFAP, IBASURA! TUITION, I-ROLLBACK NA!
(via standupdiliman)
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 10, 2011 (a Friday)
- time:
- 12:48:36 (11 months ago)
Notes
There are 94 notes on this item.
-
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 8, 2011 (a Wednesday)
- time:
- 10:27:32 (11 months ago)
Notes
There are 19 notes on this item.
-
HUNYO 6 & 13: Labanan ang papatinding krisis sa edukasyon!
Labanan ang pagtataas ng matrikula at ibasura ang mga di makatarungang bayarin sa pamantasan!
Dagdag budget sa edukasyon, hindi dagdag na K+12!
Biguin ang makadayuhan at makamayamang programa sa edukasyon ng rehimeng US-Noynoy Aquino!
Edukasyon para sa lahat!
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 5, 2011 (a Sunday)
- time:
- 10:02:20 (11 months ago)
Notes
There are 4 notes on this item.
-
UP’s new STFAP application process hikes tuition. Base tuition shifts from Bracket B (P1,000/unit) to Bracket A (P1,500/unit). Read why STFAP is nothing but a mere mechanism that promotes state abandonment of education. http://upissues.wordpress.com/2011/06/02/stfap-tuition-hike/
Tags
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- Jun 3, 2011 (a Friday)
- time:
- 12:17:00 (11 months ago)
Notes
There are 0 notes on this item.
-
Di ako galit sa ‘yo. Minsan lang talaga, nakukupalan ako sa ‘yo, kung paano ka magtext o magpaabot ng mensahe. Tulad kanina, tinext kita para ipakita sa ‘yo na okay tayo. So di ganun ang inaakala kong reply, kahit pa may “Hehe” ‘yun. Pero naiisip ko rin, na baka naman pagkakaiba natin sa idyolek o indibidwal na wika, kung kaya madalas namimisinterpreta ko ang mga pahayag mo. Ganun ka rin siguro sa akin. ‘Yun lang naman ‘yun. Puwede mo namang itext sa akin, pero dinaan mo pa sa twitter. Kaya dinaan ko sa tumblr kung saan di mo mababasa.
Lumang larawang kuha ko almost two years ago.
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- May 29, 2011 (a Sunday)
- time:
- 10:26:00 (12 months ago)
Notes
There are 0 notes on this item.
-
KUHA MO?
ni Mykel Andrada
Hindi naman bago sa atin ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan. E ano naman kung magtaaas ng matrikula ang mahigit-kumulang 300 kolehiyo sa taong ito. Aprubado pa yan ng mismong Commission on Higher Education (CHED). Para na lang itong pagtataas ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo. Hindi na nga kayang pigilan ng gobyerno, nililigalisa pa nito ang pagkakabaon at pagpapahihirap. Na tila nagiging “matter of fact” o “part of humanity” na lang ang pagsagitsit ng mga presyong ito. Na tila wala na tayong magagawa upang hadlangan ito. At yun ang nakakabahala! Ang tila pagtanggap na lang natin sa mga pagtataas na ito bilang “normal na bahagi” ng ating buhay.
Noong mag-aaral pa ako ng BA Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman, noong hindi pa nagkakaroon ng 300% na tuition increase, kada semestre ay pumipila ako sa opisina ng Student Loan Board sa ikatlong palapag ng Vinzons Hall. P300 kada yunit ang halaga ng pag-aaral sa UP Diliman noon. Mangungutang ako para makapag-enroll. Sa susunod na semestre, babayaran ko ang nakaraang pagkakautang para muling makautang ng pang-enroll sa bagong semestre. Parang IMF-World Bank lang! Uutang ang Pilipinas para lang bayaran ang utang nito sa pinansiyal na oligarkiya ng IMF-World Bank. Taon-taong isinusubo sa atin ang ganitong kalakaran!
Kasama ko ang napakaraming estudyante na minsan, kahit hindi magkakakilala, ay nagkukuwentuhan na lang at nagkokomentuhan na “grabe, andito pa lang tayo sa second floor.” Ganun kahaba yung pila. Kung pera lang ang pawis, milyonaryo na siguro kami dahil sa naiimbak na pawis sa aming mga damit. Minsan umuupo kami sa natuod nang mga hakbangan ng hagdan. Napapabuntung-hininga sa pader. O di kaya’y magtatanungan kung may guarantor (permanenteng empleyado ng UP) na ba kaming magiging co-debtor; na magiging responsable pag hindi namin nabayaran ang kada semestreng inutang namin sa loan board. Kuha mo?
Hindi lang mga estudyante ang pagod at mainit ang ulo, o asar at tagaktak ang pawis; kahit ang mga empleyado ng Student Loan Board, na madalas napagbubuntunan ng sisi o galit dahil sa haba at likaw ng burukrasya ng pangungutang sa unibersidad. Siyempre hindi naman sila ang maysala. Kahit sila’y malamang nakukulili rin sa pagkahaba-haba at monotonous na sistema ng pangungutang at pagpapautang. Hindi ba’t napaka-bayolente ng ganitong sistema? Hindi ba’t napakabayolente ng mangutang para makapag-aral, at makapag-aral para muling mangutang? Suwerte na lang kung pagka-graduate natin ay makatagpo tayo ng trabahong magwawakas sa sirkulo ng pangungutang. Pero nanatili ang katotohanan na nabubulid ang mayorya ng ating mamamayan sa di-mapatid na sistemang ito.
Sa 300% pagtaas ng matrikula sa UP, nakababahala ang imposisyong ito na pinalilitaw bilang pagtataas ng kalidad ng edukasyon. Ang kabulaanang ito ang masigasig na hinuhubaran ng mismong mga mag-aaral at empleyado ng unibersidad: nananatiling atrasado ang mga pasilidad, kulang sa guro, klasrum at laboratoryo. May tinatawag nang “saksak fee” sa UP — pagbabayad para makapag-charge ng cellphone o makapagsaksak ng anumang gahetong kailangang ire-charge. Dagdag lamang ito sa listahan ng mga naimbento nang salita’t termino tulad ng dorm fee, laboratory fee, aircon fee, cultural fee, at kung anu-ano pang fee na nakakapipi ng bulsa’t katauhan. Ang katotohanan, nagtaas ng matrikula dahil sa kasinungalingang tataas ang kalidad ng edukasyon at maiibsan ang mga karagdagang bayarin. Pero ang dulo pa rin ng kuwento, nagbabayad tayo para mangutang at nangungutang tayo para magbayad para muling makautang. Kuha mo?
Tila walang hanggan itong kalakarang ito. Umaabot na ngayon sa unang palapag ng Vinzons Hall ang pila sa Student Loan Board. Hindi na tayo magtataka kung umabot hanggang sa monumento ng Katipunero sa labas ng gusali ng Vinzons Hall ang pila. Marami ngang pumapasa sa UPCAT at mga sertipikong kurso sa unibersidad, ngunit isa sa malaking dahilan ng mga estudyanteng hindi tumutuloy sa pagpasok sa UP ay dahil sa mataas na matrikula.
Ngayong magpipitong taon na akong nagtuturo sa unibersidad, marami pa ring kuwento ang mga Iskolar ng Bayan na nung nasa elementarya pa lang ako’y ibinabahagi na ng paaralan. Mga kuwento ng kalabaw na isinasangla at lupang sakahan na ibinebenta. Mga kuwento ng paghahanap ng scholarship at paghahanap ng sponsor at mauutangan. Para saan? Para sa matrikula ng diploma. Mga kuwento ng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho upang mabayaran ang mga pagkakautang. Bakit hindi nagbabago ang mga kuwento? Kung nagbago man, bakit pareho pa rin ang katapusan ng naratibo? Kuha mo?
Hindi na bago sa atin ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa eskuwelahan. Ngunit manibago’t mahintatakutan tayo kung nasasanay na tayong tanggapin na lamang ang lahat ng ito bilang natural na bahagi ng kasaysayan ng ating edukasyon. Sapagkat tiwali ang ganitong lohika ng komersyalisasyon. Ang pagtataas ng matrikula ay nangangahulugan ng pagpapalakas sa bayolenteng sistema ng pangungutang. Ang pagtataas ng matrikula ay lohika ng pag-abandona ng pamahalaan sa konstitusyunal na responsibilidad nitong mapag-aral ang mamamayan. Hindi nga ba’t ito ang pangunahing idinahilan ng gobyernong Noynoy Aquino kung bakit kinaltasan ang badyet ng ating unibersidad at ng iba pang state universities and colleges? At tuwing nagkakaltas ng badyet, nakaamba ang pagtaas ng matrikula’t iba pang bayarin. At humahaba ang pila para mangutang upang muling makapangutang.
Taun-taong isinusubo sa atin ang ganitong pagtataas at pagkakaltas. Kung siyensiya ng katawan ang pag-uusapan, hindi ba’t mas lohikal lamang na kung labis ang itinutulak sa ating lalamunan at sikmura ay dapat tayong maimpatso o maduwal sa ganitong karahasan ng oligarkiya ng pagsasamantala? Kuha natin?
Mayo 28, 2011
Originally published sa Pinoy Weekly —> http://pinoyweekly.org/new/2011/05/kuha-mo/
Tags
#TOFI#tuition fee increase#UP Diliman#University of the P#university of the philippines#ched#student loan board#pinoy weekly#zineulatInfo
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- May 28, 2011 (a Saturday)
- time:
- 7:17:00 (12 months ago)
Notes
There are 12 notes on this item.
-
JUNK THE CODE! Uphold student demands!
Join the struggle. Contact 09358815619.
Tags
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- May 27, 2011 (a Friday)
- time:
- 8:28:20 (1 year ago)
Notes
There are 9 notes on this item.
-
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- May 23, 2011 (a Monday)
- time:
- 5:10:00 (1 year ago)
Notes
There are 0 notes on this item.
-
HAHAHAHA-HIGH FASHION! :) Vlad, Kat & Mykel sa gilid ng Faculty Center, UP Diliman; sa labas ng Katag. Mayo 20, 2011. :)
Tags
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- May 23, 2011 (a Monday)
- time:
- 11:46:00 (1 year ago)
Notes
There are 5 notes on this item.
-
Ang Patuloy na Paghahanap kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, mga Winala ng Estado
ANG PAGHAHANAP SA WINALA NG ESTADO AY PAGPAPANAGOT SA MAYSALA’T BERDUGO
Pahayag ng ALL UP WORKERS ALLIANCE at CONTEND-UP
kaugnay ng pagsasampa ng kaso ng mga kaanak nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño laban kina Jovito Palparan
Mayo 4, 2011
nasa http://upissues.wordpress.com/2011/05/06/karen-sherlyn/
Hindi lamang ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan ang magli-limang taon nang nawawala sa darating na Hunyo 26, 2011. Patuloy pa ring hinahanap ang hustisya para sa pagdukot, tortyur at paggahasa sa kanila ng mga puwersang militar sa ilalim nina Jovito Palparan at Gloria Macapagal Arroyo. Mas tama sigurong sabihing “winala” at “winawala” ito ng mga nasa kapangyarihan. Ngunit ang sistematikong pagdukot, pagtortyur at paggahasa kina Karen at Sherlyn at sa hustisya ay dapat nang tumigil at hindi na dapat pang mangyari kailanman at kaninuman.
Bilang mga estudyante, kawani, guro at miyembro ng komunidad ng UP, taimtim tayong naniniwala na ang pagbiktima kina Karen at Sherlyn ay pagsalaula sa karapatang pantao. Na ito’y bahagi ng isang sistemang nandarahas sa mabubuting anak ng bayan. Oo. Mabubuting anak ng bayan sina Karen at Sherlyn na piniling paglingkuran ang sambayanan. Ito rin mismo ang kultura at tradisyon ng UP na humubog sa napakaraming mabubuting anak ng bayan.
Dinukot sina Karen, Sherlyn at Manuel Merino noong Hunyo 26, 2006 sa bahay ni Raquel Halili sa Brgy. San Miguel, Hagonoy, Bulacan. Sino ang dumukot sa kanila? Lahat ng detalye ay nakaturo sa direksyon ng militar. Dalawang saksi ang nakakita sa pagdukot sa kanilang tatlo. Ayon sa mga saksi, puwersahan isinakay ang tatlo sa isang dyip na may plakang RTF 579. Pinatotohanan ng isa pang saksi, na miyembro ng Quick Response Team na naghahanap kina Karen at Sherlyn, na nakita niyang nakagarahe sa headquarters ng 56th Infantry Batallion sa Iba, Hagonoy, Bulacan ang parehong dyip na may plakang RTF 579.
Dagdag pa rito, ang isa sa mga nakasaksi ay dinetina pa ng militar at dumaan sa interogasyon ng isang “2 Lt. Francis Mirabelle Samson.” Tinanong siya ng nasabing militar tungkol sa dalawang diumano’y miyembro ng New Peoples’ Army (NPA), na ang deskripsyon ay tila tumutugma kina Karen at Sherlyn. Nangangahulugan ito na pinaghihinalaan ng mga militar na miyembro ng NPA sina Karen at Sherlyn, at na ang paghihinalang ito ang siyang pinakadahilan kung bakit sila’y dinukot. Hindi katanggap-tanggap ang ganitong pag-iisip at aksyon ng militar, laluna’t kahit ang Kagawaran ng Hustisya ay nagsasabing kailangang irespeto ang karapatang pantao ng lahat, kasama ang mga miyembro ng NPA.
Pinatotohanan rin ng biyenan ni Sherlyn na noong Abril 11, 2007, halos isang taon matapos ang pagdukot sa kanila, ay binisita siya ni Sherlyn at “may kasamang” armadong dalawang lalaki at tatlong babaeng pawang naka-unipormeng pangmilitar. Sa testimonya naman ng saksing si Raymond Manalo, isinalaysay niya na nakita niya sina Karen at Sherlyn na nakadetina sa Camp Tecson. Isinaad rin ni Manalo sa testimonya kung paanong tinortyur at ginahasa sina Sherlyn at Karen.
Ang lahat ng detalye’t ebidensiyang ito ay prinesenta sa Petisyon para sa Writ of Habeas Corpus at Writ of Amparo na isinumite para kina at sa ngalan nina Sherlyn at Karen. Ibinigay ng korte ang Writ of Amparo na positibong kumikilala sa mga elemento ng militar bilang responsable sa pagdukot at tortyur, at na sila’y maituturing na nagkasala at puwedeng kasuhan ng sumusunod na krimen: a. Rape (Article 335, Revised Penal Code), b. Serious Physical Injuries (Art. 263, R.P.C.), c. Arbitrary Detention (Art. 124, R.P.C.), d. Maltreatment of Prisoners (Art. 235, R.P.C.), e. Grave Threats (Art. 282, R.P.C.), f. Grave Coercion (Art. 286, R.P.C.), g. Violation of R.A. 7438 or An Act Definng Certain Rights of Persons Arrested, Detained or Under Custodial Investigation as well as the Duties of the Arresting, Detaining and Investigating Officers, and Providing Penalties for Violations Thereof, at h. Violations of the International Covenant on Civil and Political Rights and the Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment, all of which are generally accepted principles of international law adopted by the Philippines under the 1987 Constitution as part of the law of the land and which can be applied with equal force within Philippine jurisdiction.
Makikita sa mga detalyeng ito na malinaw ang “conspiracy” – na ang pagdukot, pagtortyur at paggahasa kina Karen at Sherlyn ay hindi na lamang “indibidwal na akto” ng mga elemento ng militar na nagsagawa nito, kundi responsable rito maging ang mga opisyal ng militar. Bagama’t sina Sherlyn at Karen ay dinukot ng di-mapangalanang mga elemento ng 56th Infantry Battalion (IB) ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, malinaw na sila ay dinetina at nasa ilalim ng kustodiya ng 24th IB ng Hukbong Sandatahan. At higit pa rito, na sina Sherlyn at Karen ay tinortyur at ginahasa nina at sa kaalaman at atas nina M/Sgt. Donald Caigas at M/Sgt. Rizal Hilario.
Higit pa rito, nangangahulugan na ang pagdukot kina Karen at Sherlyn ay planado, at na ang pagtortyur at paggahasa sa kanila ay isinagawa nina at nasa kaalaman at pag-uutos nina Lt. Col. Rogelio Boac, dating commanding officer (CO) ng 56th IB, at Lt. Col. Felipe Anotado, dating CO ng 24th IB. Ang dalawang nabanggit na CO ay nasa direktang “command, order and supervision” ng dating commanding general ng 7th IB ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, si Maj. Gen. Jovito Palparan Jr., na may direktang partisipasyon at kooperasyon sa pagplano, preparasyon, pagsasagawa o pagtatakip ng mga naturang krimen.
Hindi maipagkakailang ang mismong mga elemento ng Hukbong Sandatahan ang mga kriminal na nambiktima sa mga estudyante ng UP na sina Karen at Sherlyn. Hindi maitatanggi na ang sistematikong pangwawalanghiyang ito ay matagal nang nagaganap sa Pilipinas, at na ito’y ipinapataw sa mga anak ng bayan na buong-pusong naglilingkod sa mamamayan.
Kung kaya’t marapat nating tanungin kung “Ano ang naging kasalanan nina Karen at Sherlyn?” Wala tayong ibang matukoy na dahilan, kundi na ang kasalanan nila ay ang magmahal sa bayan. Na ang tangi nilang kasalanan marahil ay ang hindi paniwalaan ang mga “katotohanan” ng pamahalaan. Dahil ang tunay na “katotohanan” ay nagnanaknak ang kahirapan sa lipunan, na hindi pantay ang distribusyon ng kita at yaman, na nadadayukdok ang kalakhan ng mamamayan habang ang iilan ay nagpapakalinta sa pondo ng bayan.
Hindi ang mga tulad nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan ang dapat pinarurusahan ng militar at pamahalaan. Dahil ang tangi nilang kasalanan ay ang mangarap at kumilos para sa isang lipunan, pamahalaan, at bayan na tunay na naglilingkod sa interes ng sambayanan. Patuloy nating hanapin sina Karen at Sherlyn, at iba pang biktima ng pangwawala ng estado. Patuloy tayong manawagan ng hustisya para sa mga biktima ng sistematikong pangwawala at pamamaslang, at igiit nating mapanagot ang mga maysala.
Sapagkat ang politika ng paghahanap sa mabubuting anak ng bayan na winala ng estado ay ang politika ng pagpapanagot sa mga maysala’t berdugo.
Tags
Info
- posted by:
- mykelandrada
- date:
- May 6, 2011 (a Friday)
- time:
- 3:06:00 (1 year ago)
Notes
There are 2 notes on this item.





